Insert misc promo announcement here

Maymay Entrata is a True Star

By Chin Ann Obiedo
• Updated
Maymay Entrata is a True Star
Getting up close and personal with the media darling.

As Beauty Bubble officially turns one this month, we celebrate with a star whose influence in this nation is unlike anyone else in the local scene the incomparable MAYMAY ENTRATA.

Over the years, the Pinoy Big Brother alumna has been hard at work making a name for herself. Whether it’d be on the big screen, appearing in movies like Hello, Love, Goodbye, Fantastica, Loving in Tandem, and The One That Ghost Away, gracing magazine covers, getting featured on billboard campaigns, or walking on an international runway show, everyone just can’t get enough of her. And it’s easy to see why. 

When she entered the famous PBB house at 19 years old, the carefree Maymay didn’t know then that this gig would catapult her into becoming one of the biggest stars of her generation. Her hilarious quips on TV and down-to-earth nature captured the hearts of the masses. She was relatable in every sense and that made her so enjoyable to watch.

But of course, it’s not all fun and games in this line of business. Nothing can really fully equip anyone to live life as a celebrity. The 22-year-old, in spite of having one of the most dedicated fanbases, a list of projects under her belt, and over four million followers on Instagram, is still figuring out how to cope with everything. 

She reflects candidly on how she’s still learning how to keep a balanced life despite being one of the busiest working-celebrities today. She admits, “Pinakamahirap sa akin kapag ‘yung personal na buhay ko, nadadamay sa work ko. Lalo na kapag nagte-taping or nagho-hosting, ang nakikita sa akin dapat ng mga tao masaya lang lagi. Pero siyempre, minsan dumarating sa punto na kapag may problema, mahirap na ‘di ipakita. Ako kasi ‘yung tao na hindi nakakatago ng tunay na nararamdaman. Kaya bago ako sumalang sa trabaho, talagang dapat ko muna bitawan kung ano mang personal na problema meron ako. Ayokong madala ko siya sa work.”

She may still be learning how to adapt to this new stage in her life, but there is nowhere to go but up for Maymay. Through her hard work and unquestionable talent, there’s no denying her potential to be a bigger star than she already is now. Below, we had a heart-to-heart with the fan-favorite about the TV show that made her want to become an actress, her ever-evolving relationship with Edward Barber, and her love for beauty.

Minsan dumarating sa punto na kapag may problema, mahirap na ‘di ipakita. Ako kasi ‘yung tao na hindi nakakatago ng tunay na nararamdaman. Kaya bago ako sumalang sa trabaho, talagang dapat ko muna bitawan kung ano mang personal na problema meron ako. Ayokong madala ko siya sa work.”

You were very well-known for Pinoy Big Brother, but what was Maymay like before entering the Big Brother House?
Jolly na estudyante. Hindi naman nawawala ‘yun. Si Maymay ‘yung tipong kahit may sakit, pumapasok pa din sa school, nagbebenta ng kung ano-ano tulad ng makeup at chocolates. Noong elementary, sanay din ako sumali sa mga modeling contests sa school.

You’ve been doing a lot of TV work recently. Would you say that’s your niche now?
Para sa akin po, kung may ibinigay na proyekto at nagustuhan ko naman, tinatanggap ko pa din kahit hindi TV. Katulad po noong fashion show. Basta yung mage-enjoy pa din ako. 

What do you prefer: TV or movies?
Halos pareho lang po sila ng proseso ng pag-gawa pero mas matagal lang nang konti ang proseso sa movie kesa sa TV na minsan namamadali. Siguro mas gusto ko ng movies kasi I can take time sa emosyon na gusto ko ilabas. Lalo na sa mabibigat na scenes. 

What’s your dream role?
Gusto ko ‘yung parang Shan Cai sa Meteor Garden. Dahil sa show na ‘yun kaya naisip kong mag artista. Nagustuhan ko kasi talaga ‘yung role niya. 

Who do you look up to in this industry?
Si Sir Gary V, Yeng Constantino, KZ Tandingan, Angeline Quinto, Regine Velasquez, at Sarah Geronimo. Nakikita ko kung gaano sila ka-passionate sa ginagawa nila talaga.

Would you ever consider being a professional singer?
Hindi ako magaling pero alam ko na pwede akong maging magaling. Nagsimula na din po ang opportunity, may pangalawa akong album na lumabas sa Star Music.

Mas alam ko na kung saan ilulugar yung sarili ko. Kapag saya, saya, pero kapag work, focus ako doon. Hindi parang laro-laro lang lagi. Mas naging disiplinado na ako sa sarili ko, lalo na sa career ko.

How do you think you’ve grown from PBB to where you are now? 
Mas maging malawak na ‘yung obserbasyon ko sa buhay at sa trabaho. Mas na ko-control ko ‘yung balance ng responsibilties ko sa pamilya ko, sa work ko, at sa mga kaibigan ko. Mas alam ko na kung saan ilulugar yung sarili ko. Kapag saya, saya, pero kapag work, focus ako doon. Hindi parang laro-laro lang lagi. Mas naging disiplinado na ako sa sarili ko, lalo na sa career ko.

Your love team, Edward, has been with you through everything. How is your relationship with him right now?
Ngayon mas naging strong at mas naging comfortable kami sa isa’t isa. ‘Di nga namin akalain na magiging swak kami, lalo na’t magkaiba kami ng personalities. Pero kung may misunderstanding kami, lagi naming inaayos agad. Mas tahimik siya pero mas expressive siya sa feelings niya. Ako kasi matiisin ako kaya siya ‘yung nag-aayos lagi. 

What do you think makes your fans connect with you and Edward so strongly?
Siguro po yung pagiging totoo namin. Hindi namin kailangan na maging iba sa sarili namin para magustuhan kami ng mga tao. Thankful ako na andiyan sila at blessed kami dahil kung anong meron sa amin ngayon, dahil sa kanila ‘yun.

Ininvite lang talaga ako manuod nung una. Tapos sinabi nila pwede daw ako mag-audition. Nag-prepare ako through YouTube, nanunuod ng mga tutorial at nag practice. After akong matanggap, sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi nga ako makapaniwala hanggang ngayon.

You just hit a milestone this year being the first ever Filipino to walk the Arab Fashion Week. How did that make you feel?
Di ko po ine-expect yun! Ininvite lang talaga ako manuod nung una. Tapos sinabi nila pwede daw ako mag-audition. Nag-prepare ako through YouTube, nanunuod ng mga tutorial at nag practice. Nag-audition ako online kasi hindi pa ako makapunta sa Dubai. After akong matanggap, sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi nga ako makapaniwala hanggang ngayon.

Would you ever consider doing modelling full time?
Opo! Oo naman. 


Dati po ‘di ako masyado ma-skincare pero naging obsessed po talaga ako dahil sa makeup artist ko na si Sir Owen. Dahil sa kanya may skincare routine na ako.

Let’s talk beauty! You do a lot of glam looks for work but what’s your personal beauty kit like?
Meron akong primer na bigay ni Sir Owen. Meron din po akong concealer, foundation, powder, tapos Vice Cosmetics lip liner then, lip balm pang everyday.

What’s your skincare routine?
Dati po ‘di ako masyado ma-skincare pero naging obsessed po talaga ako dahil sa makeup artist ko na si Sir Owen. Dahil sa kanya may skincare routine na ako. Sabi niya kailangan ko mag skincare kasi ‘pag tanda ko, my skin will thank me. Ang routine ko ay cleanser, toner, moisturizer at eye cream. Tapos sa gabi, minsan nagse-serum at essence na din ako. Also, regular facials with Belo. 

What are random things people don’t know about Maymay?
Ang paborito kong pagkain ay sinigang at Korean food. Pangalawa, pangarap ko pumunta sa Australia, New York, Japan at Korea. Third, kung sino yung best friends ko ngayon, sila ‘yung best friends ko ‘nung elementary. Fourth, love ko mag-karaoke. Doon ko nilalabas ‘yung confidence ko at nagco-concert talaga ako. (Laughs)

 

How do you unwind after a long day?
Ang pinaka-love ko gawin ay pumunta sa beach. As in kapag nakita ko na yung dagat, okay na ako. Tapos kapag kasama ko ‘yung pamilya ko, kung paano lang kami dati same pa din. Nakikinig din ako sa songs by Lauren Daigle, Christian, or Ariana Grande. Sa K-Pop, Blackpink. Kapag sa K-Drama naman, favorite ko si Lee Jong Suk, Song Jung Kyun, at Park Sung Woong. Si Park Min Yang din at Yoo Seung Ho gustong-gusto ko rin! Last, mahilig din ako manood ng horror movies.  

What do you want to say to your fans?
Kung saang journey man kami mapunta, kahit anong mangyari, lagi kaming magpapasalamat sa inyo at ituturing kayong pamilya.

What’s your advice to anyone who looks up to you?
Wag silang ma-inspire sa achievements lang. Ma-inspire din sana sila sa mga hirap na pinagdaanan bago nakuha ‘yung ganoong success. Mahirap talaga tuparin ang pangarap, kaya ma-inspire din sana sila sa proseso.

 

Photographed by Charisma Lico

Styled by Ryuji Shiomitsu

Makeup by Owen Sarmiento

Hair by John Valle

Words by Chin Ann Obiedo

3 Comments

Write A Comment

Showing 3 of 3 comments

Sort by

혜교 김 23 Oct 2019

Very humble and very inspirational thoughts!
Stay the same as a person always keep your feet on the ground be thankful and always pray

Ester Del Fierro 17 Oct 2019

Lee Jong Suk. Same Maymay. Same.

Mary Ann Arabis 10 Oct 2019

Happy 1st Anniversary Beautybubble.com
Thank you for featuring our bebeloves skrengge Princess Maymay Entrata .
I love how she was able to express herself on the questions raised. I love it how she wanted people to also be inspired of the fallbacks and the challenges that she had to go thru before getting to where she's now. I am so proud to say that I support this immensely talented but genuinely humble mighty dreamer and of course the other half of #MayWard - Edward Barber
#BBTurns1
#MaymayOnBeautyBubble

Related Products

Related Articles